"Buhay Estudyante"
Ang buhay ng estudyante, masaya minsan naman malungkot at higit sa lahat mahirap. May mga oras na matutuwa at mawiwili sa mga itinuturo ng guro, minsan naman ay makakatulog sa sobrang nakakainip na pag tuturo ng guro. Ang pagiging estudyante ay napakaraming karanasan kung saan masusukat ang tibay ng loob ng bawat isa upang magtagumpay sa buhay at makapagtapos sa pag aaral. Ako na bilang estudyante napakarami ko ng karanasan bilang mag aaral. Marami ng pagsubok ang aking napagdaanan bago ako tumungtong sa kolehiyo tulad na lamang noong nasa elementarya pa lamang ako na kung saan ang bawat guro ay may mga kanya-kanyang proyekto na ipinapagawa at dapat ipasa ito kung kailan niya itinakda. Napagdaanan ko rin ang paggising ng maaga para lamang pumasok sa ekwelahan, para sa akin isa rin iyon sa pagsubok ng bawat estudyante sa pagpasok sa eskwelahan. Naranasan ko rin na maaddict sa computer games na kung saan nagdulot ito ng hindi ko pagpasok ng buong 4th grading noong grade 7 pa lamang ako. Alam ng mga magulang ko na araw-araw akong pumapasok sa eskwelahan dahil umaalis ako ng bahay sa saktong oras ng aking pagpasok kaya wala silang kaalam-alam na dumidiretso ako sa computer shop at doon lang ako maghapon at naglalaro ng online games. Noong panahon na iyon nakatira pa kami sa Pampanga, si mama naman ay nagtatrabaho rito sa maynila at ang kasama ko lang sa bahay nun ay ang papa ko at ang kuya ko. Dumating na ang kinakatakutan ko na pangyayari kung saan nalaman na ng aking magulang na hindi ako pumapasok sa eskwelahan dahil sa paglalaro ng computer games. Pinagalitan ako at pinalo nung nalaman yun at pumunta kami ng eskwelahan upang malaman kung pwede pa ako pumasok ngunit sa pagpunta namin exam na ng mga kaklase ko pero pinilit ng aking ina ang mga teacher ko kung pwede ako mag exam. Nakapag exam ako kahit hindi ako pumasok ng buong 4th grading pero sa buong klase ako pa rin ang nanguna sa mga kaklase ko. Ito ang isang karanasan na hindi ko malilimutan dahil ito ang nagbigay sa akin ng aral upang magsumikap sa pag aaral at upang hindi na ulit magalit sa akin ang aking mga magulang. Ngayon ay nasa kolehiyo na ako at magsusumikap upang matapos ko ito dahil ito ang pinaka mahirap na pagsubok sa estudyante.Itong larawan na ito ay nagsisilbing inspirasyon ko dahil sa hirap na pinagdaanan ko noong senior high school ay nagbunga ng saya hindi lang sa akin pati na rin sa aking magulang. Napakasayang karanasan ito sa akin dahil dito mas lalo akong ginanahan na mag aral upang makamit ko ang aking pangarap at makapagtapos sa pag aaral. Itong certificate na ito ay itinago ko upang magsilbing inspirasyon ko at ipapakita ko ito sa aking magiging anak sa hinaharap. Sobrang saya ko nung natanggap ko ito dahil nakita ko sa aking magulang ang tuwa sa kanilang labi at ipinagmamalaki nila ako. Hindi man sila nakapunta sa araw na iyon pero alam ko na masayang masaya sila para sa akin at pinagmamalaki nila ako dahil nakamit ko ang gantong award. Bago ko ito makuha ay dumaan muna ako sa hirap na karanasan sa senior high school ngunit hindi yun hadlang upang hindi ko ito makuha. Kaya napakasaya sa pakiramdam ang makakuha ng award tulad ng'Academic Excellence'.
Ngayon na nasa kolehiyo ako sa kursong Information Technology sa loob ng dalawang taon ay napakahirap na ng napagdaanan ko at ng mga kaklase ko. Sila ang sandalan ko sa eskwelahan, kami ay nagtutulungan upang makalagpas sa bawat semester o year na aming mapagdadaanan. Napakasaya nilang kasama sa hirap man o saya kami ay nagtutulungan upang wala ni isa sa amin ang maiiwan sa kolehiyo at dapat lahat kami ay makakapagtapos sa kolehiyo. Ang kursong Information Technology ay hindi madali para sa amin, nasusubok ang pagkakaibigan namin ngunit hindi ito hadlang upang mawala ang isa sa amin. Sa hirap ng aming napagdadaanan dahil sa kurso na aming tinahak hindi namin ito iniisip dahil mas importante sa amin ang memories na aming mabubuo habang kami ay magkakasama pa. Ang bawat memories na aming nabubuo ay isang treasure para sa akin dahil sila ang naging kasama ko sa hirap man o ginhawa sa kolehiyo. Alam kong marami pa kaming mararanasan na hirap dahil nasa 2nd year college pa lang kami pero alam namin na makakaya namin yun at lahat kami ay makakapagtapos sa kolehiyo at makakamit ang aming kanya-kanyang pangarap sa buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento