Biyernes, Disyembre 13, 2019


"Buhay Estudyante"
Ang buhay ng estudyante, masaya minsan naman malungkot at higit sa lahat mahirap. May mga oras na matutuwa at mawiwili sa mga itinuturo ng guro, minsan naman ay makakatulog sa sobrang nakakainip na pag tuturo ng guro. Ang pagiging estudyante ay napakaraming karanasan kung saan masusukat ang tibay ng loob ng bawat isa upang magtagumpay sa buhay at makapagtapos sa pag aaral. Ako na bilang estudyante napakarami ko ng karanasan bilang mag aaral. Marami ng pagsubok ang aking napagdaanan bago ako tumungtong sa kolehiyo tulad na lamang noong nasa elementarya pa lamang ako na kung saan ang bawat guro ay may mga kanya-kanyang proyekto na ipinapagawa at dapat ipasa ito kung kailan niya itinakda. Napagdaanan ko rin ang paggising ng maaga para lamang pumasok sa ekwelahan, para sa akin isa rin iyon sa pagsubok ng bawat estudyante sa pagpasok sa eskwelahan. Naranasan ko rin na maaddict sa computer games na kung saan nagdulot ito ng hindi ko pagpasok ng buong 4th grading noong grade 7 pa lamang ako. Alam ng mga magulang ko na araw-araw akong pumapasok sa eskwelahan dahil umaalis ako ng bahay sa saktong oras ng aking pagpasok kaya wala silang kaalam-alam na dumidiretso ako sa computer shop at doon lang ako maghapon at naglalaro ng online games. Noong panahon na iyon nakatira pa kami sa Pampanga, si mama naman ay nagtatrabaho rito sa maynila at ang kasama ko lang sa bahay nun ay ang papa ko at ang kuya ko. Dumating na ang kinakatakutan ko na pangyayari kung saan nalaman na ng aking magulang na hindi ako pumapasok sa eskwelahan dahil sa paglalaro ng computer games. Pinagalitan ako at pinalo nung nalaman yun at pumunta kami ng eskwelahan upang malaman kung pwede pa ako pumasok ngunit sa pagpunta namin exam na ng mga kaklase ko pero pinilit ng aking ina ang mga teacher ko kung pwede ako mag exam. Nakapag exam ako kahit hindi ako pumasok ng buong 4th grading pero sa buong klase ako pa rin ang nanguna sa mga kaklase ko. Ito ang isang karanasan na hindi ko malilimutan dahil ito ang nagbigay sa akin ng aral upang magsumikap sa pag aaral at upang hindi na ulit magalit sa akin ang aking mga magulang. Ngayon ay nasa kolehiyo na ako at magsusumikap upang matapos ko ito dahil ito ang pinaka mahirap na pagsubok sa estudyante.


Itong larawan na ito ay nagsisilbing inspirasyon ko dahil sa hirap na pinagdaanan ko noong senior high school ay nagbunga ng saya hindi lang sa akin pati na rin sa aking magulang. Napakasayang karanasan ito sa akin dahil dito mas lalo akong ginanahan na mag aral upang makamit ko ang aking pangarap at makapagtapos sa pag aaral. Itong certificate na ito ay itinago ko upang magsilbing inspirasyon ko at ipapakita ko ito sa aking magiging anak sa hinaharap. Sobrang saya ko nung natanggap ko ito dahil nakita ko sa aking magulang ang tuwa sa kanilang labi at ipinagmamalaki nila ako. Hindi man sila nakapunta sa araw na iyon pero alam ko na masayang masaya sila para sa akin at pinagmamalaki nila ako dahil nakamit ko ang gantong award. Bago ko ito makuha ay dumaan muna ako sa hirap na karanasan sa senior high school ngunit hindi yun hadlang upang hindi ko ito makuha. Kaya napakasaya sa pakiramdam ang makakuha ng award tulad ng'Academic Excellence'.

Ngayon na nasa kolehiyo ako sa kursong Information Technology sa loob ng dalawang taon ay napakahirap na ng napagdaanan ko at ng mga kaklase ko. Sila ang sandalan ko sa eskwelahan, kami ay nagtutulungan upang makalagpas sa bawat semester o year na aming mapagdadaanan. Napakasaya nilang kasama sa hirap man o saya kami ay nagtutulungan upang wala ni isa sa amin ang maiiwan sa kolehiyo at dapat lahat kami ay makakapagtapos sa kolehiyo. Ang kursong Information Technology ay hindi madali para sa amin, nasusubok ang pagkakaibigan namin ngunit hindi ito hadlang upang mawala ang isa sa amin. Sa hirap ng aming napagdadaanan dahil sa kurso na aming tinahak hindi namin ito iniisip dahil mas importante sa amin ang memories na aming mabubuo habang kami ay magkakasama pa. Ang bawat memories na aming nabubuo ay isang treasure para sa akin dahil sila ang naging kasama ko sa hirap man o ginhawa sa kolehiyo. Alam kong marami pa kaming mararanasan na hirap dahil nasa 2nd year college pa lang kami pero alam namin na makakaya namin yun at lahat kami ay makakapagtapos sa kolehiyo at makakamit ang aming kanya-kanyang pangarap sa buhay.

"Ang Aking Talambuhay"

Ako si Janesza Docog Manguerra ipinanganak noong Oktubre 17, 1999 sa Angeles City, Pampanga. Ang aking ama ay si Allan Manguerra at ang aking ina ay si Amelia Manguerra mayroon akong nakakatandang kapatid na si Joshua Manguerra. Ako ay nagtapos ng elementarya sa Angeles Elementary School at ng Sekundarya sa Quirino High School at ngayon, kasalukuyan ay sa STI College Cubao sa kursong Information Technology.
Ang aking hilig ay maglaro ng online games, manuod ng anime, movies at ng korean drama. Ang pinaka paborito kong pelikula ay ang "Harry Potter".

"Larong Pinoy"
Naaalala ko pa noong bata pa ako ang mga paborito kong laro ay ang mga patintero, luksong lubid/baka, piko, sipaan bola at ang tumbang preso. Ito ang larong hindi ko malilimutan dahil marami akong nakilalang kaibigan at hanggang ngayon kaibigan ko pa rin sila mula noong bata kami hanggang ngayon na nasa kolehiyo na kami. Marami akong karanasan sa mga larong ito tulad na lamang ang pag dapa sa semento, mag mukhang madungis at matuyuan ng pawis ngunit napakasayang alaala ang mga larong ito na hinding hindi ko malilimutan.

"Kababata"
Sila ang aking mga kalaro noong bata pa ako at hanggang ngayon kaibigan ko pa rin sila. Ito ulit ang pagkakataon na magkasama sama kami pumunta kami sa Quezon upang mag swimming at magkaroon bumuo ulit ng panibagong memories. Napakasayang karanasan na kasama sila hindi man kami buo sa larawang yan ngunit masaya pa rin dahil nagkasama sama ulit kami sa tagal ng panahon dahil mayroon na kaming kanya kanyang buhay at minsan na lamang magkasama sama. Isa rin ito sa hindi ko malilimutan na nangyare sa aking buhay. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko sila at nagkaroon ako ng kaibigan mula noon hanggang ngayon.


"18th Birthday"
Ito rin ang pinakamasayang nangyare sa aking buhay ang dumating ang aking kaarawan noong Oktubre 17, 2017. Ako ay ganap ng dalaga sa edad na 18. Napakasayang karanasan ito sa akin dahil once in a life time lang ito nangyare sa buhay ko na kung saan nag enjoy ako ng sobra. Naranasan ko magkaroon ng 18 roses, 18 candles at 18 gifts. Napakaraming pumuntang bisita ilan na lamang dito ang aking mga kamag-anak, kaklase at mga kaibigan. Bago pa ito nangyare ako talaga ang nagpumilit sa aking mga magulang na sana magkaroon ako ng gantong event dahil once in a lifetime lang ito mangyayari. Pumayag sila ngunit sa isang kasunduan na kung saan ang gagastusin lamang nila ang pagkain, ang mga ibang gastusin naman ay sa akin. Pumayag ako sa kagustuhan nila, noong una gusto ko ng hindi ituloy dahil napakahirap maghanap ng pera na gagastusin ko rito dahil wala naman akong pagkukuhanan ng pera bukod sa baon ko pero kinaya ko ito para lamang matuloy ang pangarap ko na magkaroon ng cotiilion. Nakaipon na ako ng pera para sa event na ito at ito nga ay natuloy at napakasayang memories ito sa aking buhay dahil ito ay pinagsumikapan kong mangyare na pinaghirapan ko rin para lamang matuloy.

"Academic Excellence"
Ang larawang ito ay nagsisilbing inspirasyon ko dahil noong grade 12 ako ay nakuha ko itong dalawang certificate na nasa larawan. Hindi ko inakala na makukuha ko ito dahil sa hirap na pinagdaanan ko o namin noong nagkaroon kami ng thesis nung grade 12 kaya napakasarap sa pakiramdam na makakuha ng ganitong awards sa aking buhay dahil ito ay aking pinaghirapan upang magkaroon nito. Hindi lamang ito para sa akin para rin ito sa hirap ng aking magulang para pag aralin ako. Napakasaya ko dahil nakita ko ang mga magulang ko nakangiti dahil sa aking parangal na aking natanggap. Hindi man sila nakasama nung kinuha ko ang award na ito ngunit okay lang sa akin dahil alam ko na masaya sila dahil nakakuha akong gantong parangal at alam ko na ipinagmamalaki nila ako. Ang magulang ko rin ang aking naging inspirasyon upang magsumikap sa pag aaral at makakuha ng parangal upang masuklian ko ang kanilang paghihirap para lamang pag-aralin ako.


"Senior High School Graduation"
Ang pinaka masayang nangyare sa buhay ko noong dumating ang graduation ko ng senior high school. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noong nag graduate ako dahil lahat ng hirap na naranasan ko ay nasuklian ng saya hindi lamang sa akin pati na rin sa aking mga magulang. Ito ang pinakaaantay ko at ng magulang ko na mangyare sa akin na magsuot ng toga dahil noong nagtapos ako ng junior high school ay hindi ako nakaranas ng toga dahil Moving up ceremony lang ang naganap nung nagtapos ako ng junior high school sa Quirino High School. Kaya napakasayang magsuot ng puting toga at makaranas ng pag akyat sa stage habang tinatawag ang aking pangalan. Nakita ko sa mga mata ng aking ina na napakasaya niya para sa akin dahil napagtagumpayan ko na ang magtapos sa senior high school. Inaantay na lamang niya ang pagtatapos ko sa kolehiyo upang magsuot ng itim na toga na alam ko na masusuot ko yun balang araw. Magsusumikap ako upang maabot ko ang aking pangarap at magtapos sa aking pag aaral. Itong larawan na ito, ito pa lamang ang simula ng aking pag landas  upang magtagumpay sa aking pangarap. Alam kong mahirap ang aking mapagdadaanan sa kolehiyo ngunit alam ko sa sarili ko na malalagpasan ko yun at magtatagumpay balang araw at maaabot ko ang aking mga pangarap dahil hindi ko lamang ito pangarap kundi pangarap rin ito ng aking magulang na maabot ko ang aking mga pangarap. Ang tanging mithiin ko lamang sa buhay ay ang masuklian ang paghihirap ng aking magulang.